Naibenta sa auction sa halagang $11.5-M ang painting ni Sir Winston Churchill.

Ayon sa Christies Auction house sa London, na ang Moroccan Landscape painting ay pag-aari ni Angelina Jolie.

Nabili ng actress kasama ang asawang si Brad Pitt ang painting noong 2011.

Pinaniniwalaang ito lamang ang wartime painting ng legendary Prime Minister ng Great Britain.

Ipininta ni Churchill ang “Tower of the Koutoubia Mosque” matapos ang Casablanca Conference noong Enero 1943 kung saan kasama niya President Franklin Roosevelt at naiplano kung paano talunin ang Nazi Germany.

-- Advertisement --

Hindi naman binanggit ng nasabing auction house kung sino ang nakabili ng painting.