-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mananatili umanong kanselado ang Christmas Day gift-giving tradition sa ancestral house ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Disyembre.

Ayon pa kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, walang gagawin na aktibidad sa bahay ng pangulo sa Taal Road, Central Park Subdivision, Barangay Bangkal nitong lungsod dahil nananatili pa rin ang banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kung maalala, taon-taon na dinadagsa ng libo-libong katao ang bahay ng pangulo para humingi lamang ng grocery packs at pamasko.

Ito na ang ikalawang taon ng traditional gift giving ng Duterte family na walang ginagawang aktibidad dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa nakaraang taon, kahit nakapagsagawa ng gift-giving ngunit hindi ito ginawa sa Duterte ancestral house bagkus ay pinadala ito 182 barangays ang 38,000 grocery packs para sa mga benepisiyaryo.