Pinaghahanda ngayon ni Chinese President Xi Jinpin ang kaniyang mga kasundaluhan laban sa anumang uri ng maritime conflict na posibleng umusbong.
Ito ang iniatas ng Chinese President Xi sa kasundaluhan sa kasagsagan ng kaniyang pakikipagpulong sa mga delegasyon ng armed forces ng China sa idinaos nito ng National People’s Congress o China’s parliament.
Ang pahayag na ito ni Xi ay sa gitna ng kasalukuyang tension ng kanilang bansa laban sa Taiwan at Pilipinas.
Kaugnay nito ay initasan din ni Chinese president Xi na siya ring tumatayong chair ng Central Military Commission, ang Chinese military na mas palakasin pa ang kanilang strategic capabilities partikular na sa mga larangan ng cyberspace at outer space.
Gayundin ang pag develop ng pa sa aerospace system ng China at pagbuo ng kanilang cyberspace defense system.
Samantala, kaugnay nito ay inihayag naman ng isang Chinese navy officer na mayroon na silang binubuong plano para sa ikaapat na aircraft carrier ng China, ngunit hindi naman ito nagbigay ng iba pang detalye ukol dito.