CAGAYAN DE ORO CITY – Inaantay ng lamang ang pagdating ng pamilya upang maasikaso ng tuluyan para sa mga susunod na plano ang bangkay ng isang Chinese project engineer ng kompanyang DITO Communications na nakaburol sa punerarya ng Misamis Oriental.
Ito’y matapos unang nahulog sa pond water ang biktimang 37anyos na si Lai Zouyo habang nasa kasagsagan pag-inspection ng kanilang cellular site tower project ng North Poblacion,Medina ng lalawigan dahil sa malakas ng buhos ng pag-ulan.
Sinabi ni Police Maj Arnold Sala,hepe ng Medina Police Station na biglang bumigay ang lupa na pinaghuhukayan ng proyekto kaya nahulog ang biktima at nabagsaka ng 1.6 KV generator set na dahilan ng agaran na pagkasawi.
Lumipas ang ilang oras bago tuluyan na naiahon ang bangkay ng biktima gamit ang boom truck ng isang electric cooperative na nakabase sa lugar.
Kasalukuyang nakaburol ang biktima sa Barcelona Funeral Homes habang hinihintay ang pagdating ng kanyang ina at ibang miyembro ng kanilang pamilya mula pa sa mainland China.