-- Advertisements --

Naitala ang nasa mahigit 40,000 pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa bansa ngayong Bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31.

Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa kabuuang 22,146 outbound passengers ang naitala at may 20,956 inbound passengers.

Nagsagawa rin ng inspeksiyon ang Coast Guard personnel sa 205 na mga barko at 53 motorbancas na bumiyahe ngayong araw para masiguro ang ligtas at episyenteng biyahe.

Samantala, nananatiling naka-heightened alert ang lahat ng PCG districts, stations at sub-stations hanggang sa Enero 4 para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe matapos ang holiday season.