Tinambakan ng China ang Gilas Pilipinas Womens team 143-52 sa opening game ng 2021 FIBA Women’s Asia Cup .

-- Advertisement --

Hindi umubra ang ginawang 17 points ng beteranong si Afril Bernardino sa laro na ginanap sa Amman, Jordan.

Ito ang unang laro ng Gilas womens sa Group B na kasama ang Australia at Chinese-Taipei.

Sa unang quarter ay hindi pa nakakalayo ang mga Pinay player 22-15 hanggang umarangkada na ang China sa ikalawang quarter.

Bumida si Yang Liwei ng China na nagtala ng 21 points, limang assists at limang steals.

Susunod na makakaharap ng Gilas Womens team ang world number 3 na Australia sa Setyembre 29.