-- Advertisements --

Pumirma ng contract extension sa Yokohama B-Corsairs ng Japan B. League si Kiefer Ravena.

Ito na ang pangalawang taon sa koponan bilang import ng Filipino basketball player.

Habang pang-limang taon na rin niya na paglalaro sa Japan B. League.

Sa unang tatlong taon kasi ay naglaro ito sa Shiga Lakes bago lumipat sa Yokohama noong nakaraang taon at pinalitan si Kai Sotto.

Ayon kay Ravena na sabik na itong bumalik at maglaro muli sa Yokohama.

Mayroon average ito na 9.8 points, 3.8 assists at 1.9 rebounds sa nagdaang season ng Yokohama.