-- Advertisements --
Opisyal ng pumirma sa Japan B. League si Gilas Pilipinas player Mike Philips.
Inanunsiyo ng koponang Kyoto Hannaryz ang dalawang taon na pagpirma sa kontrata ni Philips ngayong 2026 hanggang 2027 na magsisimula sa buwan ng Setyembre.
Sinabi ng 24-anyos na si Philips,na ikinakarangal niya at labis siyang nagpapasalamat sa oportunidad na makasama sa koponang Kyoto Hannaryz at sa B. League.
Sabik din itong muling makapaglaro sa Japan dahil nakapaglaro na ito sa Japan university leagues noong ito ay nasa La Salles.
















