-- Advertisements --
Plano ngayon ng mga health authorities sa China na magkaroon ng booster shots ng COVID-19 vaccines.
Kasunod ito sa pagtaas ng kaso ng Delta variant na naitala.
Sinabi ni Shao Yiming ng Chinese Center of Disease Control and Prevention na habang wala pa talagang bakuna na maaring makapagpigil ng COVID-19 ay mahalaga ang pagpapabakuna para makontrol ito.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1.7 billion ang naturukan na sa China.
Sinasabing nagsimulang magkaroon ng Delta variant ang China ng isang pasahero ng Air China Flight ang dumating sa Nanjing City noong July 10 na galing umano sa Moscow.
Matapos na malinisan ng mga tao ang eroplano ay doon na na kumalat ang nasabing virus.