-- Advertisements --

Nagpatupad ng panibagong paghihigpit ang China dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Bukod sa travel restrictions ay ilang milyong katao na rin ang isinailalim sa COVID-19 testing.

Mayroon kasing 15 probinsiya ang nagtala ng kumpirmadong kaso na ang pinagmulan ay sa Nanjing province.

Nagmula umanong kumalat ang nasabing virus ng linisan ng mga manggagawa ng paliparan ang eroplano na galing umano sa Russia.

Dahil sa pangyayari ay nagpatupad ng lockdown ang nanjing province kung saan apektado dito ang nasa 9.2 milyon na mamamayan.