Nagpatupad ng pag-ban ang China ng mga “goods and products” mula sa Taiwan.
Ginawa itong hakbang ng bansa kaugnay sa ginawang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Inanunsiyo ng China’s Commerce Ministry ang immediate ban ng mga citruit fruits, dalawang klase ng fish at sand imports mula Taiwan.
Kahapon ay pina-ban din nito ang iba pang mga kalakal- kabilang ang mga biskwit at confectionary.
Magugunitang, ang Taiwan ay may malalim na ugnayang pang-ekonomiya sa China, na kumukuha ng halos 30% ng mga pag-export nito at ang pinakamalaking kasosyo nito sa kalakalan.
Nauna nang nagbanta ang China na “US will pay the price” dahil sa ginawa ni Pelosi.
Samantala, inihayag naman ni Pelosi sa parliament ng Taiwan na gusto niyang dagdagan ang parliamentary exchanges sa pagitan ng US at Taiwan.
Inilarawan din niya ang Taiwan bilang “isa sa mga pinakamalayang lipunan sa mundo”.
Sinabi rin niya na ang US bill on computer chips- na makakakita ng malaking pamumuhunan ng US sa domestic semiconductor manufacturing at science research – ay isang magandang pagkakataon para sa higit pang pakikipagtulungan sa Taiwan.