-- Advertisements --
Nagmatigas ang China at patuloy nilang hindi kinikilal aang 2016 arbitral ruling sa pagkilala na pag-aari ang Pilipinas ang pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na suportado nila ng kasaysayan at jurisprudential bases ang nasabing pag-aangkin nila sa WPS.
Minaliit din nito ang naganap na pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa bangka ng Pilipinas na magdadala lamang ng mga pagkain sa mga sundalong nakatalaga sa Ayunging Shoal.
Sinabi nito na patuloy ang ginagawang pag-uusap ng China at Pilipinas sa nasabing problema.
Magugunitang aabot na sa mahigit 200 na diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas laban sa China dahil sa ginagawang panggigipit umano nito sa nasabing lugar.