-- Advertisements --

Inilunsad ng China ang panibagong kampanya para malinisan ang internet.

Ang nasabing hakbang ay inilunsad ng information technology ministry ng China para lalong masala ang mga websites sa nasabing bansa.

Mula pa noong Mayo ay nagsagawa ng paghihigpit ang China sa maraming mga foreign websites.

Noong nakaraang mga buwan kasi ay ilang mga websites at social media ang ipinasara ng gobyerno ng China.

Ilan sa mga foreign media websites gaya ng The Guardian, Washington Post ay hindi na ma-access noong nakaraang mga linggo.

Maging ng mga social media na nagpapalabas ng mga politically sensitive materials at financial news ay kanila ng ipinasara.

Mula pa noong Nobyembre 2018 ay umabot na sa 9,800 na mga accounts ng mga news providers na ang naipasara.