-- Advertisements --
Magbibigay ang China ng isang bilyong doses ng COVID-19 vaccine sa Africa.
Isinagawa ni Chinese President Xi Jinping ang nasabing pahayag sa naganap na China-Africa summit sa Dakar, Senegal.
Mayroong 600 milyon doses ang manggagaling sa China bilang donasyon habang ang dagdag na 400 milyon doses ay kukunin sa ibang source gaya ng investments sa production sites.
Nakatuon ang pag-uusap sa pagpapaigting ng trade and security sa nasabing bansa.
Magugunitang mababa pa ang vaccination rates sa Africa na ikinabahala ng World Health Organization (WHO) na nagiging sanhi ng paglutang ng mga bagong variant.