Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sasakupin ng China ang Pag-asa Island na nasa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, na pag-aari ng Pilipinas ang Pag-asa Island kaya hindi gagawin ng China ang pagsakop dito.

Kapag ginawa aniya nila ito ay hindi siya magdadalawang isip na magdeklara ng giyera sa nabanggit na bansa.

Agad namang nilinaw nito na isa itong payo at hindi pagbabanta sa China ang kanyang statement.

Sa kabila nito, binigyang diin ng Presidente ang patuloy na pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China