-- Advertisements --

Magpapataw na rin ng parusa ang China sa 11 American nationals bilang ganti nito sa ipinataw naman na sanction ni US President Donald Trump kay Hong Kong leader Carrie Lam at 11 pang Hong Kong executives.

Kasama sa mga papatawan ng sanction ay sina Senators Marco Rubio, Ted Cruz, Human Rights Watch Executive Director Kenneth Roth at Michael Abrawomitz.

Magugunita na noong nakaraang linggo nang ianunsyo ng Estados Unidos ang sanction para kay Lam 11 Chinese officials dahil sa kanilang koneksyon umano sa pagpapatupad ng national security law sa Hong Kong.

Ngayong araw din ay dinampot ng Hong Kong police ang kilalang media tycoon sa lungsod na si Jimmy Lai dahil sa hinalang paglabag sa umiiral na national security law.

Arestado rin ang pito pang indibidwal dahil sa paglabag umano sa nasabing batas ngunit hindi na inilantad pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Si Lai ay may-ari ng sikat na tabloid sa Hong Kong at kilalang pro-democracy figure ay walang takot na kinukwestyon ang authoritarian rule ng China sa lungsod.