Agad na magsasagawa ang China ng mga serye ng joint military operations malapit sa isla ng Taiwan.
Inanunsiyo ito ng People’s Liberation Army Eastern Theater Command ng China ilang oras matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Sinabi ni Col. Shi Yi, spokesman for the Eastern Theater Command na ang hakbang ng US ay tila babala sa ginawa ng US dahil sa paghirit ng Taiwan ng kaniyang kalayaan.
Ang Eastern Theater kasi ay isa sa limang joint command ng People’s Liberation Army (PLA) na sumasakop sa Fuijan at Zhejang province.
Hindi naman binanggit ng China kung anong uri ng exercises ang kanilang isasagawa at kung anong mga units ang kasali.
Nauna ng sinabi ni Pelosi at mga congressional delegations na ang pagbisita nila ay bilang pagkilala ng US sa demokrasya ng Taiwan.