intel gensan PNP coronado
Master Sergeant Emmanuel Coronado

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang chief ng PNP intelligence group sa lungsod ng Heneral Santos matapos na binaril ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo GenSan, dakong alas-9:30 ng gabi nang binaril ng hindi kilalang mga suspek si Master Sergeant Emmanuel Coronado na nakadestino sa San Isidro Police Station.

Habang minamaneho ng biktima ang kanyang kotse palabas ng Maria Theresa Subdivision sa Barangay San Isidro sa lungsod ay hinarangan umano ito ng mga suspek at pinagbabaril.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga attending physician habang sugatan naman ang dalawa nitong mga anak na kapwa maliliit pa.

Samantala, nakaligtas sa pamamaril ang isa pang anak ng biktima matapos na makatakbo nang pinagbabaril ang kanilang sasakyan.

Bago ito noong Enero 2019 nang binaril-patay ang isang intel operative ng City Mobile Force Company (CMFC) na si PO3 Jospeh Piquerda.

Ang isyu sa trabaho ng biktima isa sa tinutukan na anggulo ng pulisya sa pamAmaril sa biktima.

Patuloy PA ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa identity ng mga suspek at motibo sa pamamaril kay Coronado.