-- Advertisements --


Nagpapatuloy ngayon ang abiso ng Manila Police District (MPD) sa publiko lalo na sa mararanasang paghihigpit sa darating na araw ng Huwebes sa June 30 lalo na sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay MPD district director Brig. Gen. Leo Francisco, humingi ito ng unawa sa mga maaapektuhan sa kanilang gagawing adjustment sa seguridad at daloy ng trapiko.

Inihalimbaw na lamang nito na simula bukas ay meron ng ilang kalsada ang pansamantalang isasara malapit sa National Museum at lalawak pa ito habang papalapit ang malaking event.

Sa Lunes naman ng umaga ay simula na rin ng ipapatupad na gun ban.

Nagpaalala rin naman ito na liban sa ilang mga bagay na ipagbabawal, maging ang pagsusuot daw ng jacket ay hindi rin daw papayagan malapit sa area.

-- Advertisement --

Magkakaroon din ng mga checkpoints sa mga papasok sa Metro Manila at maging sa ilang mga boundaries na mga syudad na mag-uugnay sa lungsod ng Maynila.

Samantala, nilinaw din naman sa Bombo Radyo ni Gen Francisco na hanggang ngayon ay wala pa silang pinal na desisyon kung magrerekomenda ng pag-shutdown sa signal ng cellphone sa mismong araw ng inagurasyon dahil wala naman silang namo-monitor na banta sa seguridad liban lamang sa magtatangkang magsasagawa ng ilang kilos protesta.