Ceres Negros
Ceres Negros/ FB image

Nalusutan ng Ceres Negros ang Shan United ng Myanmar 3-2 sa kanilang paghaharap sa AFC Champions League.

Unang nakuha ni Robert ang buwena manong puntos sa loob ng limang minuto sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Muntik ng makuha ng Shan United ang panalo sa pamamagitan ni Sin Min Tun subalit ito ay naharang ni OJ Porteria sa loob ng 72 minutes.

Susunod na makakaharap ng Ceres ang Port FC ng Thailand na gaganapin sa Thailand sa Enero 21.

Ang mananalo dito ay abanse na sa playoff round at haharapin ang FC Tokyo sa Ajinomoto Stadium.