Nabigo ang Ceres-Negros sa kamay ng FC Tokyo 0-2 sa AFC Champions League na ginanap sa Ajinomoto Stadium.

Unang nakapagtala ng score sa Tokyo si Sei Muroya at Brazilian striker Adailton.

Naging malaking hamon ang laban sa Ceres dahil sa kawalan ni Stephan Schrok dahil sa suspension habang injured naman sina Mike Ott at Sean Kean.

Susunod na makakaharap ng Ceres ang Quang Thinh ng Vietnam, Bali United at ang panalo sa Masters 7 ng Laos at Svey Rieng ng Cambodia.

Magiging host naman ang Ceres sa panalo ng playoff sa darating Pebrero11.