ILOILO CITY – Balik-biyahe na sa Lunes, Mayo 18, ang Ceres bus sa lalawigan ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Janice Original, administrative manager ng Vallacar Transit Incorporated, sinabi nito na inaayos pa ang special permit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board 6 dahil nasa General Community Quarantine ang buong Western Visayas.
Ayon kay Original, mahigpit na ipapatupad ang social distancing measure at ang 50% passenger capacity sa bawat bus.
Nararapat din na sumuot ng face mask ang mga pasahero samantalang naka-Personal Protective Equipment naman ang mga driver at konduktor.
Kasabay nito, ipapatupad ang fare adjustment ayon sa matrix ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Para sa non-airconditioned bus: P11 sa unang 5km at karagdagang P1.85 sa succeeding kilometer.
Para sa airconditioned bus: P13 sa unang 5km at P2.20 sa susunod na kilometro.