-- Advertisements --
F0ViXE0aUAAgQlm

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ito kaninang alas-3:16 ng hapon sa Central Luzon at Metro Manila, pati na ang ilan pang kalapit na lugar.

Natukoy ang epicenter sa layong 26 km sa timog kanluran ng Palauig, Zambales.

May lalim iyon na 46 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang malaking pinsala at wala ring aftershocks mula sa naturang lindol.