-- Advertisements --

Pinalitan na ni Boston Celtics player Enes Kanter ang kaniyang pangalan bilang pagdiriwang niya sa pagiging US citizen na.

Ipinalit na nito ang pangalan bilang Enes Kanter Freedom.

Isinilang kasi ang 29-anyos na si Kanter sa Switzerland at ito ay lumaki sa Turkey.

Noong 2017 aniya ay pinawalang-saysay ng mga otoridad ang kaniyang Turkish passport.

Magugunitang ang Celtics player ay naging kontrobersiyal nang kondinahin ang mga nangyayaring human rights violations sa China at Turkey.