-- Advertisements --

Bigong makabawi ang Indiana Pacers sa naunang pagkatalo sa Eastern Conference Finals laban sa Boston Celtics.

Bagama’t maagang nakapagpasok ng 27 points ang Pacers sa unang quarter, nagsunod-sunod naman ang atake ng Boston, sa pamamagitan ni Jaylen Brown.

Nakagawa pa si Brown ng kabuuang 40 points, five rebounds at two assists.

Habang meron lamang 28 points ang power forward ng Pacers na si Pascal Siakam.

Tumulong naman para sa Indiana si Tyrese Haliburton, ngunit na-tengga lamang ito sa 10 puntos.

Nagtapos ang laban sa score na 126-110, pabor sa Celtics.

Kaya naman 2-0 na ang serye at inaasahang magiging agresibo pa ang dalawang kuponan sa mga susunod na laban.