CHICAGO – Nagawang maitabla ng Boston Celtics ang serye sa 2-all matapos na talunin sa magkasunod na games ang Chicago Bulls, 104-95, sa first-round ng NBA playoff series.

Bumida si Isaiah Thomas sa kanyang 33 points para burahin ang 22 points na kalamangan ng Boston.

Nanguna si Thomas sa third quarter run hanggang sa biguin ang Boston na maibulsa ang Game 4.

Tumulong din naman para sa Celtics si Gerald Green  sa kanyang 18 points kung saan meron siyang apat na 3-pointers habang si Al Horford ay nagdagdag ng 15 points at 12 rebounds.

Sa kampo ng Bulls nanguna sa opensa si Jimmy Butler sa pamamagitan ng 33 points at nine assists.

Meron namang tig-13 points sina Nikola Mirotic at ang bibihirang gamitin na si Isaiah Canaan.

Habang minalas si Dwyane Wade na meron lamang 11 points.

Samantala balik naman sa teritoryo ng Boston ang Game 5 sa Huwebes.