Hindi inexpect ng isang Cebuano na mag rank-4 ngunit goal na umano nitong makapasok sa listahan ng Top 10 sa inilabas na resulta ng October 2025 Physicians Licensure Exam.
Ang 27 anyos na si Jorel Franco Antone Tangpuz na tubong bayan ng Consolacion at nagtapos sa Cebu Institute of Medicine ay nakakuha ng 89.42% rating.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu, ibinahagi ni Tangpuz na ito na ang ikalawang pagkakataon niyang mag-top sa licensure exam,kung saan ang una ay nagrank-5 ito sa November 2019 Nursing Licensure Exam.
Ayon sa binata, goal na umano niyang mag-top sa exam, gayunpaman, mas nakikita niya itong isang bonus dahil ang pangunahing layunin naman umano nito ay ang makapasa.
“The effect is still very fresh at this point but during the time, I couldn’t even hold my phone because of how shocked I was. The thing about the situation was, I did make it a goal for himself to top the board but I see it more as a bonus since the main objective really is to pass the exam,” saad ni Tangpuz.
Ibinahagi rin niya ang mga sakripisyong dala ng kanyang medical journey, mula sa pagiging absent sa family gatherings hanggang sa mahirap na oras para sa personal na buhay.
Dagdag pa, naging mahirap sa kanya ang kurso noong una, at naging mababa ang grado sa klase na madalas niyang iniyakan sa gabi.
May problema din umano ito sa puso na tila lumalala sa kanyang unang taon ng medisina, at iminungkahi ng ina nitong huminto na lang kung makakatulong man.
Ngunit, aniya, ang kanyang pangarap na maglingkod bilang doctor sa mga pasyente ang nagsilbing inspirasyon upang magpatuloy.
“Everyone knows it’s common knowledge in medical school that once you aim to become a doctor, you have to sacrifice a large part of your social life. I missed a lot of family gatherings and church services. But when I think about the goal that medicine is suppose to entail which is to heal the sick, I think that being able to dedicate your life and a lot of your time in mastering the craft is sometimes necessitates those sacrifices,” dagdag pa nito.
Mensahe pa nito sa mga nagbabalak sundan ang kanyang yapak na maging handang pasukin ang medisina, magkaroon ng epektibong pamamahala ng oras, alamin ang kakayahan at wag panghinaan ng loob.
Aniya, “Medical school is hard. It is not for smart people. They will not succeed if it will not be paired with hard work.Find an anchor for yourself, go into medicine prepared. and don’t ever get discouraged when you find yourself in a situation where your grades are so low because everyone goes through it.”
Sa ngayon, target naman ni Tangpuz na maging isang gastroenterologist.