CEBU CITY- Naging emosyonal si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia nang magbigay sa kanyang mensahe kaugnay ng Palm Sunday na inalala ngayong araw.
Ang gobernadora ang dumalo sa misa na isinagawa sa Cebu Metropolitan Cathedral. Nang makapanayam ito ng Bombo Radyo Cebu, di mapigilang lumuha ni Governor Garcia habang inalala ang mga mahihirap, mga trabahante na nawalan ng trabaho at ang pinaka-apektado sa coronavirus disease 2019 crisis.
Umaasa ang gobernadora na ngayong pagsimula ng semana santa mabigyan ang lahat ng lakas para makaya ang krisis na dulot ng COVID-19 na nakaapekto sa lahat mahirap man o mayaman. Naniniwala rin ito na may rason ang lahat kung ito nangyayari at ito na umano ang panahon sa totoong repleksyon sa sarili, pag-iisip at pag-uugali.
Giit ni Garcia na maraming tao ngayon na bagkus tumulong mas pinili pang manira ng tao sa pamamagitan ng social media kaya umaasa ang governor na sa huli mas manaig parin ang kabutihan lalong lalo sa mga Sugbuanon.