-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang probinsiya ng Cebu.

Ayon sa Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ito dakong 9:59 ng gabi nitong Setyembre 30, 2025.

May lalim ito na 10 kilometro at tectonic in origin.

Naitala ang epicenter ng lindol sa may Bogo City, Cebu.

Naramdaman ang intensity 3 na lindol sa San Fernando, Cebu habang intensity 2 naman sa Laoang, Northern Samar.

Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Phivolcs sa mga local government units para malaman ang pinsala nito.

Ibinabala din ng ahensiya na magkakaroon ng aftershocks dahil sa lakas ng pagyanig.