CEBU – Nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng nagpositibo ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Cebu matapos madagdagan ng 22 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod dahilan ng pag-akyat ng kabuuang bilang sa 53.
Sa panibagong bilang na 22, 21 nito ay galing sa Sitio Zapatera Barangay Luz na una nang nagpatupad ng total lockdown; isa sa Guadalupe at isa sa Brgy. Mambaling na dati nangg nagpositibo sa COVID-19 at dati nang nasa record ng COVID-19 infected patient.
Inaasahan na umano ng city government nila ang pag-akyatng bilang dahil sa ginagawang massive swab testing ng Cebu City Health Office.
Nagpapatuloy naman ang contact tracing ng City Health Office at Department of Health Central Visayas sa mga indibidwal na nakahalubilo ng mga nagpositibo.
Samantalang inihayag ni Mayor Labella na premature pa sa ngayon ang pagplano hinggil sa extension ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City ngunit ayon nito na lahat ay posible at patuloy na ino-obserbahan ng city government ang sitwasyon ng lungsod dahil sa patuloy na epekto ng coronavirus pandemic.