-- Advertisements --
Pinasalamatan ni US President Donald Trump ang Egypt , Tukiye at Qatar dahil sa pagiging tulay para magkaroon ng ceasefire deal sa Gaza.
Sa maikling biyahe ni Trump sa Egypt ay kasama siyang pumirma ng kasunduan para sa pagpapatupad ng ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas.
Dagdag pa nito na nagkakaroon na ng magandang resulta ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ipinagmalaki nito na marami ang hindi naniniwala na hindi matutuloy ang ceasefire subalit dahil sa pagpupursige ay naipatupad ito.
Una ng nagtungo si Trump sa Israel at pinasalamatan ang mga lider doon dahil sa pagtugon sa ceasefire.
Napakawalan na rin ng mga Hamas ang 20 bihag nila kapalit ang nasa 2,000 na mga inaresto ng Israel.