CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawag ngayon ni City Mayor Oscar Moreno si Deputy Speaker Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na umano’y gutom ukol sa usaping halalan sa taong 2022.
Ito ang banat ni Moreno ukol sa naging komento ni Rodriguez kung bakit nagkaroon ng kaliwa’t kanan na mga reklamo ang pamimigay ng Enhanced Community Quarantine Special Ayuda funds para sa higit 100,000 pamilyang apektado sa hard lockdown dahil sa COVID-19 delta variant cases sa lungsod.
Sinabi ng mayor na dapat ang atupagin ng kongresista ay kung paano ito makahanap ng maitulong para sa patuloy na pakikipaglaban kontra sa pandemya at hindi na magdagdag pabigat sa sitwawsyon.
Una nagkomento si Rodriguez na dapat ang ginamit ng city government ang bagong mga listahan ng pamilya mula sa mga barangay kapitan kaysa luma na roster ng mga pangalan na tiyak malaki ang pagkakaiba sa aktuwal na pamimigay ng ayuda.
Kaugnay nito,sinabot naman ng kongresista na hindi dapat magagalit at mang-aatake si Moreno dahil saloob ng mismong mga kababayan nila ang binigyang boses niya para makaabot sa atensyon ng city government.
Dagdag ni Rodriguez na marami sa mga punong barangay ang nagpaabot reklamo sa kanya kung bakit hindi tugma ang listahan na ginamit kaya nagkakalituhan ang mga benepesaryo na karapat-dapat makatanggap ng isa hanggang P4,000 kung pasok ito sa na-aprobahan ng national goverment.