CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-confine ngayon ang mag-asawang sina Cagayan de Oro 1st District Representative Rolando “Klarex” Uy at Carmen Punong Barangay Lorna Uy matapos nahawaan na rin Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cagayan de Oro City.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng kongresista na si Fred Dellava sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Sinabi ni Dellava na nasa maayos na kalagayan ang kapwa senior citizens na mag-asawa.

Inihayag nitong lumabas na rin ang ibang resulta ng RP-PCR test ng mga kasamahan ng mag-asawang Uy at ang mga ito ay negatibo sa virus.

Subalit inamin rin ni Dellava na mayroon pa silang hinihintay na mga resulta ng swab test ng ibang mga tauhan ng kongresista na nasa isang hotel sa Cagayan de Oro.