Mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea ang panibagong panghaharas na ginawa ng China Coast Guard sa West Philippine Sea matapos nitong bombahin ng water cannon ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na magsasagawa lamang sana ng rotation and resupply mission sa mga mangingisdang Pilipino na nasa Bajo de Masinloc shoal.
Batay sa mga ulat na nakarating sa mga kinuukulan, hindi bababa sa walong beses binomba ng water cannon ng CCG ang barko ng BFAR habang papalapit ito sa Bajo de Masinloc shoal sa layong 1.4 hanggang 1.9 nautical miles para pigilan ang mga ito sa kanilang misyon.
Habang may mga namataan din ang mga kinauukulan na presensya ng mga Chinese Maritime Militia vessels sa lugar na nagsasagwa naman ng mga dangerous maneuvers kasabay ng padedeploy ng mga long-range acoustic device na nagdulot naman ng severe temporary discomfort at incapacitation ng ilan sa mga Filipino crew.
Ang mga agresibong aksyon na ito ng mga barko ng China ay nagdulot ng malaking pinsala sa communication at navigation equipment ng isa sa mga barko ng BFAR na Datu Tamblot.
Mariin ding tinuligsa ng NTF-WPS ang kumpirmadong pagdedeploy ng China ng mga Rigid Hull Inflatable Boats para itaboy ang mga Filipino fishing vessel na naghihintay sa ipamamahaging fuel subsidies at food supplies ng BFAR.
Bukod dito ay ibinulgar din ng naturang task force na may mga naidokumento rin ang mga mangingisdang Pilipino na aktong paglulunsad ng CCG ng maliliit na mga bangka kaninang madaling araw upang ilegal na maglagay ng mg floating barriers sa Timog-Silangan ng bukana ng Bajo de Masinloc.
Kasunod ng lahat ng mga ito, ay muling binigyang-diin ng mga pamahalaan na batay sa 2016 Arbitral Award ay isang high-tide feature ang Bajo de Masinloc shoal at isang integral part teritoryo ng Pilipinas alinsunod na rin sa konstitusyon at ang ganitong uri ng mga aksyon ng China kaugnay sa kanilang mga ilegal na gawain partikular na sa panghihimasok at panghaharrass nito sa ating mga mangingisda ay isang malinaw na paglabag sa international law, partikular na sa United Nation Convention on the Law of the Sea, at maging sa Arbitral Award.
Dahil dito ay nananawagan ngayon ang Pilipinas sa gobyerno ng China na agad na aksyunan ang usaping ito upang pigilin ang mga agresibong aktibidad ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa West Philippine Sea.