Hindi nakadalo ngayong araw, sa ASEAN meetings si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar na masama ang pakiramdam ng kalihim kaya hindi ito nakadalo ngayong araw sa mga serye ng pagpupulong sa ASEAN.

Sinabi ni Bolivar na sa simula pa lamang ng linggo ng ASEAn masama na ang pakiramdam ng kalihim kung saan halos nawalan na ito ng boses.

Pagtiyak ni Bolivar na nagpapagaling na ngayon ang kalihim bilang paghahanda sa pangunguna nito para sa iba pang ASEAN events sa bukas, Lunes.

kabilang sa mga events bukas ay ang Asean Plus Three, East Asia Summit at Asean Regional Forum.

Si Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo ang siyang nagrepresenta kay Cayetano sa mga meetings ngayong araw.