Catriona bids goodbye to NY

Ngayon pa lamang ay nagpaabot na ng “goodluck wish” si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray para sa mga kandidata ng Miss Universe ngayong taon.

Ito’y kasabay ng kanyang pagharap sa ilang Miss Universe 2019 delegates sa pagdating sa host country na Atlanta, Georgia.

Ayon pa sa 23-year-old Fil-Australian beauty na tubong Bicol, “amazing batch” ang mga nakahalubilo niyang beauty queens.

“Had the opportunity to talk to the #MissUniverse 2019 delegates at this morning’s @smiletrain event 💙 such an amazing batch! So happy I was able to connect with all of them and have a chat! Wishing them all the best of luck this week! 🤗” ani Gray.

Sa darating na December 9 (Manila time), kokoronahan na ni Catriona ang bagong Miss Universe.

Pambato ng bansa ngayong 2019 ang Cebuana-Palestinian beauty na tubong Zamboanga na si Gazini Ganados.