Patuloy ngayon ang pananalasa ng Hurricane Ida matapos mag-landfall malapit sa Port Fourchon, Louisiana.
Ang sama ng panahon ay sinasabing extremely dangerous na nasa Category 4 hurricane na may lakas ng hangin na 150 mph ayon sa National Hurricane Center.
Sinabayan ng pananalasa ng hurricane Ida ang ika-16 na anibersaryo ng tinaguriang historically devastating Hurricane na Katrina.
Aminado naman ang governor ng Louisiana na si Gov. John Bel Edwards na malaking pagsubog sa kanila ngayon ang naturang sama ng panahon.
Dahil sa sama ng panahon, nasa mahigit 285,000 customers na ngayon ang walang power supply o kuryente ayon sa poweroutage.us.
Sinabi naman ng Energy Louisiana na posibleng tumagal nang hanggang isang linggo na walang kuryente ang mga customers.
Naging dahilan din ang hurricane Ida para magsara ang oil production ng 95 percent sa Gulf of Mexico at mayroon umano itong significant impact sa energy supply.