-- Advertisements --

Umapela ang Department of the Interior and Local Government sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na isulong ang cashless transactions sa lahat ng mga pampublikong opisina.

Ito ay bilang alternatibo sa cash transactions na kinaugalian na sa bansa.

Ayon sa ahensya, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagyabungin ang digital transformation sa bansa.

Kaugnay nito ay naglabas na ang DILG ng isang memorandum circular kung saan ay inatasan nito ang mga LGU na gumamit ng electronic payment and collection systems sa pagkolekta ng local taxes, fees at iba pang charges.

Paliwanag ng ahensya na sa tulong ng naturang hakbang ay mapapalakas pa ang transparency, efficiency at public convenience.

Kailangan rin aniya na naka align ang mga hakbang ng LGU sa National Retail Payment System Framework at maging sa Data Privacy Act.

Hinikayat naman ng DILG ang mga LGU na magpasa ng mga lokal na ordinansa na magsasalegal sa naturang hakbang.