Muling binanatan ng Malacañang si Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio kasunod ng pahayag nito na may balak ang China na angkinin ang Scarborough Shoal bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador, nagtataka siya na kaya palang basahin ni Carpio ang utak ng China o may access siya sa Chinese government.
Ayon kay Sec. Panelo, sadyang mahilig lamang si Carpio sa ispekulasyon.
Inihayag ni Sec. Panelo na ang malinaw ay hindi hahayaan ni Pangulong Duterte ang ano mang pag-take sa soberenya ng bansa.
Iginiit ni Sec. Panelo na pinal na ang arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea at hindi na ito maaaring iapela pa.
Kaya ano man ang gawin ng China na labag dito ay aalmahan ng Pilipinas sa pamamagitan ng diplomatic protest.