Lubos ang kasiyahan ng actress na si Carol Banawa matapos na magtapos ito ng bachelor’s degree sa nursing.

https://www.instagram.com/p/CGdDOXqh-sE/?utm_source=ig_embed

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng kaniyang larawan habang nakasuot ng toga na nagpapatunay na siya nagtapos sa Grand Canyon University.

May caption ito na “Another goal achieved”.

Pinasalamatan nito ang kaniyang asawa at pamilya dahil sa suporta na ibinigay nila para makatapos sa pag-aaral.

Sinabi nito na hindi hadlang ang edad dahil nakamit niya ang kaniyang pangarap na kurso bago ito mag-40 -anyos.