-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Isailalim sa 15 day Community lockdown ang Barangay Poblacion Carmen Cotabato.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Ang pagsasailalim sa 15 day community lockdown sa Barangay Poblacion Carmen ay batay sa inilabas na Executive order # 20 series of 2021 ni Mayor Moises Arendain.
Mag-uumpisa ang Community lockdown Mayo 17 ng hating gabi hanggang June 1 midnight.
Posibleng habaan o tapusin agad ang community lockdown kung saan magdedepende ito sa rekomendasyon ng Municipal Inter-Agency Task Force on Covid 19 kung bababa o tataas ang bilang ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols sa Carmen Cotabato kontra Covid 19.