-- Advertisements --
Muling gumawa ng kasaysayan si Carlo Biado matapos niyang talunin si Fedor Gorst ng USA sa isang thrilling 15-13 na laban sa finals ng 2025 World Pool Championship sa Jeddah, Saudi Arabia, nitong Linggo ng umaga.
Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng dalawang World Pool Championship titles (2017 at 2025).
Tumanggap siya ng $250,000 (humigit-kumulang P14.2 milyon) bilang premyo.
Natalo niya si Gorst sa kabila ng matinding comeback ng kalaban mula sa 2-9 at 9-13 na pagkakalamang.
Sa semifinals, binigo niya ang kapwa Pinoy na si Bernie Regalario sa iskor na 11-3.
Pitong Pilipino ang umabot sa huling 16 ng torneo, kabilang sina James Aranas, Anton Raga, at Jeffrey Ignacio.