-- Advertisements --
Umatras na si Two-time world champion at Cebuana billiards star Rubilen Amit sa 2025 World Pool Championships na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Sa kaniyang social media ay kinumpirma nito ang hindi pagsali na magsisimula ngayong Hulyo 21.
Sinabi nito na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan kaya minabuti niyang huwag ng sumali.
Naging mahirap aniya ang nasabing desisyon subalit sinunod niya lamang ang payo ng kaniyang doctor kaya ito umatras na.
Mas mahalaga aniya na pangahalagahan ang kalusugan para sa mas maraming mga laban na susunod.
Ang mga lalahok na lamang sa nasabing torneo ay sina Johann Chua, Carlo Biado, Patric Gonzales, AJ Manas, Jefrey Roda, Bernie Regalario, ay James Aranas.