CAGAYAN DE ORO CITY – Lalo pang lumawak ang inabutan sa tagas ng langis matapos biglang lumubog ang isang lumang barko habang naghihintay sana na sa salvaging operation Philippine Iron Construction and Marine Works, Incorporated (PICMAW) sa Brgy Lower,Jasaan,Misamis Oriental.
Ito ay matapos kinumpirma ng Philippine Coast Guard 10 ang paglutang ng langis mula sa lumubog na M/V Tower One sa malalim na bahagi na karagatang sakop ng lalawigan noong ginugunita ang Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PCG 10 spokesperson Ensign Jirech Ybañez na dahil sa kalumaan ng barko at napapasukan ng alon ay hindi na kinaya pa ng ilang tripulante na nakabantay ang pagbabawas ng tubig.
Inihayahag ni Ybañez na simula nang tumagas ang langis ay inaabot na nito ang mga dalampasigan ng kabarangay ng Lower Jasaan, Luz Banzon at Kimaya dahil sa ilang libo na ang lawak ng oil spill.
Bagamat nakalatag ang ilang spill booms ng ahensiya para pigilan ang pagpasok pa ng langis sa ibang bahagi ng lalawigan.
Nilinaw rin ni Ybañez na walang nadamay na tripulante habang lumubog ang barko sapagkat naka-schedule na sana ito para sa salvaging operation ng PICMAW) na malapit lamang sa pinangyarihan na lugar.
Nag-iimbestiga rin ang kinaukulang mga ahensiya kung mayroong maging pananagutan ang may-ari ng barko dahil sa danyos na idinulot nito sa marine sanctuary ng probibsya.