Itinalaga ni Pope Leo XIV si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang bagong titular ng Albano, isang suburbicarian diocese na dating hawak mismo ng Santo Papa bago siya mahalal.
Si Tagle, na kasalukuyang pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, ang humalili kay Pope Leo — na dating si Cardinal Robert Prevost — na humawak ng titulong cardinal bishop ng Albano mula noong Pebrero 2025.
Bago mahalal bilang santo papa, nagsilbi si Leo bilang prefect ng Dicastery for Bishops sa ilalim ni Pope Francis.
Matatgpuan sa labas ng Roma ang Diocese ng Albano, na isa sa pitong suburbicarian sees na makasaysayang kaugnay ng mga cardinal bishop, ang pinakamataas na antas sa loob ng College of Cardinals.
Bago italaga bilang titular ng Suburbicarian Church of Albano, nagsilbi si Tagle bilang cardinal priest ng Simbahan ng San Felice da Cantalice sa Centocelle mula noong 2012.
Noong 2022, itinaas ni Pope Francis ang kanyang katungkulan sa antas ng cardinal bishops at itinalaga sa parehong titular na simbahan.