-- Advertisements --

Tinanggihan ni Cardinal Pablo Virgilio David ang panukalang National Transition Council (NTC) o anumang civilian o military junta bilang tugon sa umano’y katiwalian sa gobyerno, kahit pa pangakuan ang mga obispo ng posisyon sa pamahalaan.

Aniya, ayaw nilang maging “banana republic” ang Pilipinas at hindi kailangan ng junta. Ang pahayag niya ay kabaligtaran sa panawagan ng ilang nag-rally sa Rizal Park at Mendiola para sa pagbibitiw ng Pangulo, VP Sara Duterte, at pagtatayo ng National Transition Council (NTC).

Ani Cardinal David, malabo ang kusang pagbibitiw ng mga opisyal maliban na lang kung mapapasok ang militar sa politika, na maaari lamang magdulot ng trahedya. “Hindi natin kailangang sunugin ang buong bahay para hulihin ang mga ipis at daga ng lipunan,” ani niya.

Hinimok niya si Marcos Jr. na tapusin ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control at inalok ang tulong ng simbahan sa citizens’ participatory audit upang palakasin ang loob ng tapat na public servants. (REPORT BY BOMBO JAI)