Panalo sa pamamagitan ng unanimous decision ang bakbakan nina WBA/WBC middleweight champion Canelo Alvarez at IBF middleweight champion Daniel Jacobs sa middleweight unification.

Lahat ng judges ang pumabor sa panalo ni Canelo sa score na 115-113, 115-113, 116-112.

Binigyan ni Dave Moretti at Steve Weisfeld ng parehong tig-115-113 na score ang match habang si Glenn Feldman ay nagbigay ng 116-112.

Maalalang kahapon ay muntik mauwi sa rambulan ang ginanap na official weigh in matapos itulak ni Alvarez si Jacobs sa kanilang face off sa stage.

Dito na umawat ang kampo ng magkabilang panig upang pigilan ang paglala pa ng sitwasyon.