-- Advertisements --
image 438

Nagpahayag ng interes ang gobyerno ng Canada ng interes na mag-hire ng mas maraming skilled Filipinp health professionals sa ilalim ng bagong programa na susuporta sa pinansiyal ng mga Pilipinong nurse.

Sa naturang programa, kabilang ang pagbibigay ng pamasahe sa eroplano, accommodation at pagsasanay ng mga health professionals.

Sa courtesy call ni Manitoba Minister of Labour and Immigration Jon Reyes kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople, napagkasunduan ng dalawang opisyal na palakasin pa ang labor cooperation ng Pilipinas at Canadian province partikular na sa recruitment ng mga Pilipinong nurse at iba pang healthcare professionals.

Natalakay din sa pagpupulong ng dalawang opisyal ang panukalang scholarship fund para sa mga Pilipino na nursing students na nais na magtrabaho sa Canada.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Canada noong Abril 2018, nasa 901,218 Filipinos ang nagtratrabaho at nananatili sa Canada na binubuo ng halos 2.6% ng kabuuang populasyon ng nasabing bansa.