-- Advertisements --

Tiniyak ng Palasyo na hindi makikialam si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia kaugnay ng inisyu umanong quarry permit sa protected area ng probinsya.

Ito ang nilinaw ng Malacañang matapos maglabas ng pahayag ang pangulo kahapon kaugnay ng suspensyon ni Garcia.

Paliwanag ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang pahayag ng pangulo na dapat sundin ang rule of law at tiyakin na sumusunod ito sa due process.

Mahigpit din aniya ang posisyon ng pangulo laban sa mga umaabuso sa anumang kapangyarihan.

Ayon kay Castro, maaari namang mag-avail ng anumang legal remedy ang suspendidong gobernador para maresolba ang kanyang kaso.

Bukod sa paalala sa rule of law at due process, umapela rin ang pangulo para sa patas na pag-trato kay Garcia habang patuloy na nire-resolba ang kaniyang kaso.