-- Advertisements --

Pinaalalahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis na iwasang magdisplay ng mga campaign materials ng mga kandidato sa mga kampo at sasakyan ng PNP.

Ang paalala ng PNP Chief ay sa nalalapit na pagtatapos ng filing ng COC’s sa Oktubre 8 na inaasahan din aniya na magiging simula ng pagsulpot ng mga poster at sticker ng mga kandidatong maagang mangangampanya.

Giit ng PNP Chief, kailangang mapanatili ang pagiging apolitical ng PNP, kaya “walang dapat nakadikit na mga ganitong uri ng early campaign materials sa mga sasakyan ng pulis, mga police stations at maging sa mga kampo.”

Ayon sa PNP Chief, bagama’t may “grey area” ang isyu na ito, pagsisikapan niyang I-isolate ang PNP sa partisan politics.

Una naring ipinagutos ni Eleazar ang pag-account sa lahat ng mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa halalan para sa possibleng re-assignment sa labas ng lugar ng kandidato.